NAPATUNAYANG ang mga bakuna na gawa ng Pfizer-BioNTech at ng Moderna ay mabisa laban sa COVID-19. Gayundin ang bakuna ng AstraZeneca. Ang Sinovac naman na mukhang pinapaboran ng Pilipinas ay wala pang ipinalalabas na anunsiyo kung ito ay epektibo rin sa coronavirus.
May 200 pribadong kompanya ang nagpahayag ng suporta sa pagbili o procuremant ng pangalawang batch ng COVID-19 vaccines mula sa British drug maker AstraZeneca.
Sinabi ni Presidential adviser for entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion, na malaki ang turnout sa pagbili ng second batch ng COVID-19 vaccines, dahil mahigit sa 200 kompanya ang nagpakita ng interes na bumili pa.
Kabilang sa mga kompanya na naglagay ng mga order ay ang Ayala Corp. (400,000 vaccine doses), Palawan Pawnshop (100,000 doses), Okada Manila (40,000), Uratex Philippines ( 21,000), Century Pacific Food Inc. at Unioil Petroleum Philippines Inc. (tig- 20,000 doses), Golden Arches Development Corp. ( 15,000) at Pepsi-Cola Products Philippines Inc. (10,000 doses).
Kasunod ng announcement sa procurement ng pangalawang batch ng COVID-19 vaccines, nagkaroon ng mga pagpupulong sa business groups , kabilang ang European Chamber of Commerce of the Philippines, British Chamber of Commerce Philippines, American Chamber of Commerce of the Philippines, Entrepreneurs Organization, Philippine Franchise Association, Association of the Filipino Franchisers Inc., Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc., at Philippine Chamber of Commerce and Industry.
“Although we expected it somehow, we were happy that more and more private sector partners are now taking part in this initiative—ending the war against COVID-19. This only means that the business community is very serious in ensuring that our economy will remain open while slowly ending this war,” pahayag ni Concepcion.
Maaga sa buwang ito, inanunsiyo ni Concepcion na pinagtibay ng AstraZeneca ang request ng pribadong sektor sa second batch ng procurement ng COVID-19 vaccines para sa mga donasyon. Tulad ng naunang batch, ang base cost ng bawat dose ay $5.
Sa ilalim ng kasunduan na nilagdaan ni Concepcion kasama ang mahigit sa 30 private sector representatives at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa AstraZeneca Philippines country president Lotis Ramin nitong nakaraang buwan, ang pribadong sektor ay bibili ng 2.6 million COVID-19 vaccine doses.
Kalahati sa mga bakuna ay ido-donate sa Department of Health (DOH) at ang natitira ay para sa mga empleado ng pribadong sektor. Hinihikayat ni Concepcion ang iba pang kompanya na bumili ng mga bakuna at tutulungan niya ang mga ito.
Nakipagpulong na siya kamakailan kay Philippine Retailers Association president Rosemarie Ong upang talakayin ang gayong inisyatiba sa pagbili ng bakuna. “I shared with them that it’s important to vaccinate all the frontliners in the retail sector, supermarkets, department stores and malls”.
Nagpakita rin ng interes na bumili si Center for Agriculture and Rural Development founder and managing director Jaime Aristotle Alip. Dahil sa labis na pinsala ng pandemic sa micro, small and medium enterprises (MSMEs), sinabi ni Concepcion na ang inisyatiba ay unang hakbang upang ang mga negosyo sa bansa ay muling sumigla at makabangon.
May mga nagtatanong: “Papaano ito Mr. Concepcion, parang ang gusto ng administrasyon ay ang mga bakuna ng Sinovac na gawa sa China? Papaano kung ang mauunang aprubahan ay bakuna ng Pfizer, AstraNeca at Moderna na ipadadala sa PH? Hindi kaya may “somebody dropped the ball” uli?
-Bert de Guzman