Russia ang nasa likod ng matinding cyberattack sa ilang US government agencies na tumatarget din sa iba’t ibang bahagi ng mundo, pahayag ni US Secretary of State Mike Pompeo.
Inanunsiyo ng Microsoft nitong Biyernes, na inabisuhan na nito ang higit 40 customers na naapektuhan ng malware, na sinasabi ng mga security experts na maaaring magamit ng mga attackers upang magkaroon ng network access sa mga pangunahing government systems at electric power grids kasama ang iba pang utilities.
“There was a significant effort to use a piece of third-party software to essentially embed code inside of US government systems,” pahayag ni Pompeo The Mark Levin Show nitong Biyernes.
“This was a very significant effort, and I think it’s the case that now we can say pretty clearly that it was the Russians that engaged in this activity.”
Halos 80 porsiyento ng mga apektadong customers ang naninirahan sa United States, pagbabahagi ni Microsoft president Brad Smith sa isa nitong blog post, habang may mga nabiktima rin sa Belgium, Britain, Canada, Israel, Mexico, Spain at United Arab Emirates.
“It’s certain that the number and location of victims will keep growing,” ani Smith, bilang pagpapahayag ng pangamba ng mga US officials sa seryosong banta mula sa pag-atake.
“This is not ‘espionage as usual,’ even in the digital age,” dagdag pa ni Smith.
“Instead, it represents an act of recklessness that created a serious technological vulnerability for the United States and the world.”
AFP