Pinalawig muli ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang ‘no disconnection’ policy sa mga customer nito hanggang Enero 31 sa susunod na taon.

Sa pahayag ni Speaker Lord Velasco, ang naging hakbang ng Meralco ay tugon sa kanyang kahilingan na bigyan pa ng isang buwan na grace period ang mga consumer nito para sa pagbabayad ng kani-kanilang electric bills.

“The extended grace period being given to our fellow Filipinos during the holiday season will provide much needed reprieve to those reeling from the devastating effects of the pandemic and natural calamities. This good gesture on the part of Meralco will go a long way in helping our kababayans feel secure this Christmas,” sabi ng kongresista.

“We appreciate that Meralco had extended the same courtesy during the height of the nationwide lockdown and we expect that the company will be as considerate this yuletide season,” ang bahagi ng liham ni Velasco sa Meralco na may petsang Nobyembre 30.

National

Bulacan VG Alex Castro, nagsalita sa tugon ng Malacañang sa PrimeWater

-ELLSON QUISMORIO