MAY sepanx or separation anxiety feeling ang buong cast ng Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation sa pagpapaalam nilang lahat sa pagtatapos this week, starting today, December 21, hanggang sa araw ng Pasko sa Friday, December 25. Kaya naman may regalo silang heartwarming finale sa lahat ng mga tagasubaybay nila sa loob ng mahigit na isang taon, na hindi sila iniwanan sa kabila ng pinagdadaanan nating pandemya.
Hindi rin malilimutan ng mga lead stars – Kapuso Primetime King Dingdong Dantes and Ultimate Star Jennylyn Mercado, kasama sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith, ang serye dahil ito raw ang pinaka-memorable projects nila to date.
Si Dingdong ay na-promote as a Philippine Navy reservist Lieutenant Commander earlier this year at si Rocco ay naging navy reservist naman. Si Jennylyn at Jasmine naman ay na-excite dahil tulad sila ng mga totoong medical frontliners na lumaban at naging very proud sila sa pagganap sa kani-kanilang roles. “We will truly miss everyone here. It’s the family we built on the set that we will really miss.”
Commendable din ang mga hard-working doctors and nurses played by Renz Fernandez, Chariz Solomon, Andre Paras, Nicole Donesa, Reese Tuazon, Jenzel Angeles, at ang brave military team composed of Paul Salas, Jon Lucas, Lucho Ayala, at Prince Clemente.
Add to this, the DOSTS PH was recognized bilang Most Popular Foreign Drama of the Year in the 15th Seoul International Drama Awards, making it the very first Philippine TV Program to receive this accolade. Dingdong also took home the prestigious Asian Star Prize from the same global festival.
Kaya huwag kalimutang subaybayan ang finale week ng DOTS PH. Mahuhuli na ni Capt. Lucas ang matagal na niyang hinahanap, ang most wanted rebel na si Rodel (Neil Ryan Sese) na kapatid ni Maxine. Alin ang pipiliin ni Lucas, ang kanyang mission o may ibubulong ba ang kanyang puso?
Mapapanood na mamayang gabi ang simula ng grand finale ng DOTS PH from 9:20PM after ng Encantadia sa GMA-7.
-NORA V. CALDERON