KAWALAN ng Nonito Donaire, kabig naman sa kababyan niyang si Reymart Gaballo.
Sumabak bilang kapalit ng two-time world champion matapos ang inisyal na resulta na nagpositibo sa COVID-19 ang tinaguriang ‘The Flash’, matikas na nadomina ni Gaballo si Emmanuel Rodriguez upang mamakit ang interim World Boxing Council (WBC) bantamweight championship via split decision nitong Sabado (Linggo) sa Manila sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut (Sunday, Manila time).
Ibinigay ng mga hurado ang iskor na 115-113 at 16-112 para kay Gaballo, habang nakuha ni Rodriguez ang 118-110.
Kaagad na nagpahatid ng pagbati si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at ikinalugod ang impresibong kampanya ng Pinoy boxers sa international competition.
Nauna rito, nagwagi si Tokyo Olympic-bound Eumir Felix Marcial sa kanyang pro debut fight sa Los Angeles.
“Masaya kami, itong mga panalo ng ating boksingero sa abroad ay nagdudulot ng saya sa ating mga kababayan kahit sa panahon ng pandemya,” sambit ni Mitra.
Bunsod ng panalo, napanatilo ni Gaballo, pambato ng General Santos City, ang malinis na karta sa 24-0. Napili siyang kapalit ni Donaire at pinatunayan niyang karapat-dapat siya.