Matapos ang mapigilan ang tuluyang pagkalat ng coronavirus, nahaharap ngayon ang Africa sa ikalawang bugso ng pandemya.

Muling nahihirapan ang mga pinakamatinding tinamaang bansa ng kontinente na maipatupad ang mahigpit na public health measures habang naghihintay ang lahat sa pagdating ng makapagsasalbang bakuna.

Sa South Africa, ikinaaalarma ng mga awtoridad ang mabilis na pagkalat ng virus sa mga sikat na tourist destinations, kasabay ng pagsisimula ng summer doon.

Dahil dito, ipanag-utos ang parsyal na pagsasara ng mga resorts at paglilimita sa dami ng mga dumadalo sa mga pagtitipon at pagpapalawig ng curfew.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Bilang pinakamatinding bansa na tinamaan ng pandemya sa Africa, na may halos 900,000 kaso, patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng South Africa sa mga health restrictions.

Samantala naitala rin sa East Africa ang mga bagong kaso, habang bumababa naman ang trend sa West Africa ayon sa Africa Centres for Disease Control and Prevention (Africa CDC).

Sa Uganda, apektado na ang bawat rehiyon ng virus. Habang ang kalapit nitong Rwanda, ay nakapagtala rin ng maraming bagong kado, 722, ngayong Disyembre.

Setyembre naman nang magsimula sa Kenya ang ikalawang bugso ng virus na nagdulot ng pagsasara ng mga paaralan at pagpapalawig ng curfew. Ilang eksperto ang nagsasabing hinihintay na nila ang ikatlong bugso ng impeksyon.

Samantala, patuloy naman ang panawagan ng Africa CDC at World Health Organization (WHO) sa mga pamahalaan na palakasin ang aksyon laban sa second wave.

Sa ngayon may naitala nang 2.4 milyong kaso sa Africa, na katumbas ng 3.6 porsiyento ng kabuuang tala ng kaso sa mundo, ayon sa tally na kinalap ng AFP.

AFP