#NasaanAngBisePresidente.
Ito ang hashtag na kumakalat sa social media habang ang mga bahagi ng Mindanao ay nakaranas ng flash flood dahil sa bagyong “Vicky”.
“Andito po ako. Kanina pa kami nagco-coordinate sa areas na apektado,” magiliw na sagot ni Vice President Leni Robredo, na binabanggit ang mga pagsisikap ng kanyang tanggapan na makipagtulungan upang pasinungalingan ang mga pahayag na missing in action siya sa gitna ng pagbaha sa Mindanao.
“Pagdasal po natin mga kababayan natin sa Agusan del Sur at Surigao del Sur na binabaha ngayon,” dagdag ni Robredo.
Ang kanyang post ay sinamahan ng isang meme na naghahanap sa kanya na may mensahe ng isang netizen: “Madam Lenie, where na you?”
Ang hashtag ay ginaya sa #NasaanAngPangulo na nag-trending online habang wala si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasagsagan ng mga nagdaang bagyo.
Matapos kontrahin ang trolls, nagbigay ang VP ng updates sa isang hiwalay na post ng mga kagabapan sa Agusan del Sur at Surigao del Sur. Binaha ang mga bahagi ng dalawang lalawigan na ito dahil sa walang tigil na pag-ulan na dala ng masamang panahon. Humagupit si bagyong Vicky sa bayan ng Baganga, Davao Oriental, nitong Biyernes ng hapon, na may storm warning signal No. 1 na itinaas sa higit sa 30 mga lugar. Sinabi ng VP na ang mga tinamaan ng baha ay ang Rosario, Bayugan, San Francisco, Veruela, at Sta Josefa sa Agusan del Sur.
“In Agusan del Norte, Butuan Centro and some low-lying barangays are likewise flooded but we were told the situation is manageable,” banggit niya.
Dagdag pa ni Robredo, nakatanggap din sila ng balita mula sabmga bayan ng Barobo at Tagbina pati na rin sa Bislig nan pinakaapektado ng pagbaha sa Surigao del Sur. Sa nakaraang mga kalamidad, partikular sa pananalasa ng Bagyong Ulysses na nagpalubog sa maraming lugar sa Cagayan, Isabela at Tuguegarao, abala si Robredo sa social media sa pagkakaloob ng updates tungkol sa rescue and relief efforts ng Office of the Vice President.
Sa pagkawala ni Duterte sa mata ng publiko sa panahon ng naturang mga noon ay nag-trending ang hashtag #NasaanAngPangulo.
Dumepensa ang Malacañang, na nagsabing ang Presidente ay “on top of things”.
-Raymund Antonio at Bert de Guzman