IPINAHAYAG ng FIBA (International Basketball Federation) at ng Smart, isa sa nangungunang mobile services provider sa Pilipinas, ang isang bagong global partnership para sa FIBA Basketball World Cup 2023.

Naganap ang anunsiyo nitong Huwebes matapos ang isang virtual press conference na magkatulong na isinagawa ng Smart, FIBA at Samahang Basketbol Ng Pilipinas (SBP).

Ang apat na taong partnership ay tatagal hanggang Disyembre 31, 2023.Sa ilalim ng napagkasunduan, ay binigyan ang Smart ng ekslusibong karapatan sa karegorya ng telecommunications sa lahat ng kompetisyon ng FIBA.

Magkakaroon din sila ng key commercial rights sa lahat ng FIBA tournaments kabilang na ang men’s at women’s Olympic Qualifying Tournaments, FIBA Continental Cups, FIBA Youth World Cups, FIBA Women’s Basketball World Cup 2022 at FIBA Basketball World Cup sa 2023.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gaganap ng mahalagang papel ang sa kabuuan ng FIBA Basketball World Cup 2023 gamit ang kanilang Smart 5G technology. Ang FIBA Basketball World Cup 2023 ay gaganapin sa tatlong bansa kabilang na ang Pilipinas, Japan at Indonesia mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023.

Ang Group stage ay gaganapin sa nasabing tatlong bansa habang ang Final Phase ay idaraos sa Manila.

Ang mga dumalo sa ginawang virtual press conference announcement ay sina Manuel V. Pangilinan, PLDT Chairman, SBP Chairman Emeritus at FIBA Central Board Member; Alfredo S. Panlilio, Smart President at CEO at SBP President at ang kinatawan ng FIBA na si Secretary General Andreas Zagklis.

“Our partnership with FIBA is a milestone for the whole nation, just as it is for our company. Through Smart’s mobile innovations, we look forward to introducing immersive digital experiences that will bring hardcourt action to the fingertips of basketball fans around the world and connect us all in our love for the sport,” ani Pangilinan.

-Marivic Awitan