KALIMITAN kapag sa abroad kinunan ang pelikula ay parang travelogue ang nangyayari. Ito ba ang ating masasaksihan sa pelikulang Tagpuan na ang mga bida ay sina Alfred Vargas, Iza Calzado at Shaina Magdayao.
Ang tugon ni Congressman Vargas, na siyang nag-produced ng film sa ilalim ng kanyang production na Alternative Vision Cinema.
“It is a beautiful love story set against the backdrop ng New York at Hong Kong. Dream come true ito para sa akin. Bilang filmmaker I wanted to shoot a film in New York. I felt like a New Yorker. Tagpuan tells of loneliness of not having a home and travelling without establishing a real connection.”
Hindi ba siya nababahala na sa online mapapanood ang ‘Tagpuan’ (as well as the nine other entries sa MMFF) starting this Christmas?
“Tulad ng ibang producers we are eager to see how MMFF online will turn out. We pray na magtagumpay ito para sumigla ang movie industry sa bagong platform.”
-REMY UMEREZ