Nagbigay na ng pahayag si National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer at designated vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. kaugnay ng kontrobersyal na naunsiyaming kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng U.S. biopharmaceutical giant na Pfizer, para sa pagbili ng COVID-19 vaccine.

Sa isang ress briefing, binigyang-diin ni Galvez na “still on-going” pa ang pag-uusap ng pamahalaan at ng Pfizer para sa posibleng pagsu-supply ng COVID-19 vaccines, gayundin sa pirmahan ng kasunduan na posibleng maganap ngayong buwan o sa Enero 2021.

“Nasa advance [stage] na tayo sa Pfizer so hinihintay na lang natin ang validation and coordination from Pfizer headquarters. Once magkaroon na ng talagang... kung ilan ang i-allocate sa atin, magkakaroon na ng pirmahan. Hopefully ang pinaka-earliest ay within this month or maybe kung may delay ‘yung allocation it will be first week of January,” sabi pa nito.

-MARTIN SADONGDONG
National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental