NAGBABALA ang Department of Health hinggil sa “sharp spike” ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) infections na maaaring pumuno sa sistemang pangkalusugan ng bansa kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend ng pagtaas ng kaso at hindi ito mapigilan.

Lumalabas sa trend ng nakalipas na linggo ang pagbagal ng nakalipas na magandang pagbabago sa epidemic curve, pahayag ng DoH.

“There has been a continuous growth of cases in Metro Manila, signaling the start of a surge. Nine cities are now at moderate risk compared to last month when all cities were at low risk. The average daily attack rate in all NCR (National Capital Region) cities is also higher than the national average,” ayon pa sa pahayag.

Nakitaan din ng pagtaas ng bilang ng kaso sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“If this trend continues and is not mitigated, it will lead to a sharp spike of cases that might overwhelm our health system capacity, similar to the peak we experienced last August in the NCR. The occurrence of another surge will no longer be a matter of ‘if’ but of ‘when and by how much’,” ayon pa sa DoH.

Habang nagpapatuloy ang pandemya sa panahon ng Kapaskuhan, pinaalalahanan ang mga Pilipino na patuloy na sundin ang minimum public health standards upang maiwasan ang posibleng post-holiday surge.

“We, as a nation, have come a long way in our Covid-19 response. But the virus is still here and we should remain cautious and vigilant. As we celebrate this holiday season, let us put prime importance on our safety and the safety of everyone around us. Let us not squander our gains in this pandemic response,” saad pa ng DoH.

Tulad ng naranasan sa nakalipas na mga buwan, ang pagtaas ng kaso ay mangangahulugan ng malawak na lockdown at kung paano ito makaaapekto sa mga pamilya, healthcare workers, maliliit na negosyo, at malalaking enterprises at kung paano nito paparalisahin ang ekonomiya.

“We do not want that to happen again. Ang laban pong ito ay hindi kakayanin ng gobyerno at ng sektor ng kalusugan lamang. Kailangan po namin ang kooperasyon ng bawat mamamayan. In our own ways, we can stop this surge from happening,” paalala ng DoH.

Kahit pa nabawasan na ang reproduction number at napapanatili ang mas mababang critical care utilization rate, hindi dapat makampante ang mga tao, ayon sa DoH.

“From our peak in August, when our health system was almost overwhelmed, consuming almost 80 percent of our critical care capacity, we have managed to reduce the reproduction number to around 1.0 from a starting reproduction number of 3.27 and have maintained a lower critical care utilization rate even in highly-urbanized cities,” dagdag pa ng ahensiya.

Patuloy ang pagpapaalala ng health department sa ubliko na ugaliin ang tamang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mask, pagsusuot ng face shields, at physical distancing.

Hinikayat din ng ahensiya ang mga lokal na pamahalaan na mahigpit na ipatupad ang mga nasabing health protocols kasama ng aktibong case finding at mabilis na pagpapa- quarantine o isolation sa mga close contacts at kumpirmadong kaso.

“Sa darating na ka-Paskuhan, huwag nating hayaang maging bunsod ng pagkakahawaan ang ating pampamilyang selebrasyon. Munting paraan lamang po ito ngunit malaki ang maitutulong sa pagpigil sa paglaganap ng,” giit ng DoH.

Hanggang nitong Biyernes, nakapagtala na ang DoH ng kabuuang 456,562 COVID-19 cases; recoveries, 420,666; at 8,875 na pagkamatay.

PNA