MASSACHUSETTS (AFP) — Pinahintulutan ng United States nitong Biyernes ang Covid-19 vaccine ng Moderna para sa emergency use, na nagbibigay daan para sa anim na milyong dosis ng pangalawang bakuna n malapit nang simulan ang pagpapadala sa buong bansa.

Ang two-dose regimen ng Moderna

Ang two-dose regimen ng Moderna

Sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) chief Stephen Hahn: “With the availability of two vaccines now for the prevention of Covid-19, the FDA has taken another crucial step in the fight against this global pandemic.”

“Congratulations, the Moderna vaccine is now available!” tweet ni President Donald Trump. Ang US ang unang bansa na nagbigay ng pinahintulutan sa two-dose regimen ng Moderna, na ngayon ay ang pangalawang bakuna na na-deploy sa isang Kanlurang bansa pagkatapos ng una, na binuo ng Pfizer at BioNTech.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

Ang bakunang Pfizer-BioNTech ay inaprubahan ng Britain noong Disyembre 2, na sinundan ng maraming iba pang mga bansa kasama ang US noong nakaraang linggo. Ang mga hindi gaano nasuri na mga bakuna ay inilunsad din sa China at Russia.

Kapwa ang bakuna ng Pfizer at Moderna ay batay sa teknolohiyang mRNA (messenger ribonucleic acid), at parehong pinakitang maging epektibo, pinoprotektahan ang halos 95 porsyento ng mga tao laban sa Covid-19 kumpara sa isang placebo.

Ang mga ito ay wala ring mga seryosong isyu sa kaligtasan sa mga klinikal na pagsubok na kinasasangkutan ng libu- libong katao bawat isa.

Ang pinakakaraniwang naiuulat na side effects ay sakit sa lugar ng pag-iiniksyon, pagkapagod, sakit ng ulo, sakit ng kalamnan, panginginig, joint pain, pamamaga ng lymph nodes sa parehong braso na tinurukan, pagduwal at pagsusuka, at lagnat.

Ngunit mayroon na ngayong ilang mga tao sa buong mundo na nagkaroon ng allergic reactions matapos matanggap ang bakunang Pfizer, at sinabi ng FDA na mananatili itong mapagbantay sa pagsubaybay nito.

Parehong gumagana ang mga bakuna sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tagubilin sa mga cell ng tao na gumawa ng isang protina sa ibabaw ng coronavirus, na tumutulad sa isang impeksyon at sinasanay ang immune system kung kailan makatagpo ang totoong virus.

Magkakaiba ang mga iton sa formulation ng fatty particles na ginamit upang maihatid ang mRNA, na nagpapahintulot sa bakuna ng Moderna na maitago sa long term storage sa -20 degrees Celsius, hindi katulad ng Pfizer, na dapat itabi sa -90 degrees Celsius.