Naiiba ang Pasko sa taong ito lalo na sa mga bata na umaasa sa mga regalo mula sa kanilang mga ninong at ninang dahil sinabi sa kanila na mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na isantabi ang tradisyong ito sa ngayon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa kanyang lingguhang pampublikong pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni Pangulong Duterte na mayroong oras para sa lahat ngunit sa taong ito ay hindi oras para sa mga bata na bisitahin ang kanilang mga ninong at humingi ng “aguinaldo”.

“Kalma muna. Tutal marami pa namang Pasko, eh,” aniya.

“Maghingi ka, hopefully in God’s own time, maybe next December,” dugtong niya.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ayon sa Pangulo, maaaring mahawaan ng sakit ang mga tao kung sila ay lalabas upang makabili lamang ng mga regalo na gusto ng kanilang mga inaanak.

“Huwag na kayong maghingi-hingi ng mga ninong, ninang kasi kaawa,” aniya.

“Maglabas ‘yung ninang mo pati ninong, mamili diyan sa kung saan-saan. Idamay mo lang,” dagdag niya.

Binanggit ni Pangulong Duterte kung paano pa rin dumarami ang mga tao sa Divisoria, hindi pinapansin ang paglayo ng katawan, na parang wala ring pandemya.

“Bakit walang katapusan? Tingnan mo naman ang tao. Social distancing ‘yan. Tignan mo sa TV. Fini-feature nila ang mga tao sa Divisoria napakarami,” aniya.

“Dapat talaga hugas, mask, kung maaari huwag kang lumabas. Kung wala ka naman talagang ano. Mamili ka? Huwag muna ngayon,” dagdag niya.

Ayon kay Duterte, ang maaaring gawin ng mamamayan bukod sa pagsunod sa mga health protocol na itinakda ng gobyerno ay ang magdasal.

“What should we do is to pray for our country and prepare for those who are sick,” aniya.

“So time for happiness, time for enjoyment, birthday parties, wedding receptions, and time to be just relax. Mahaba pa ang buhay. If not for you, then for your children. Okay?” dagdag niya.

Binalaan ng Malacañang ang publiko tungkol sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ngayong kapaskuhan at kung mangyari ito, ang mga bahagi ng bansa ay maaaring bumalik sa maa mahigpit na quarantine classifications sa susunod na buwan.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS