SA unang bahagi ng susunod na taon magsisimulang makatanggap ang mga mas mahihirap na bansa ng coronavirus vaccination doses mula sa isang pasilidad na nilikha upang masiguro ang patas na access sa bakuna, pahayag ng World Health Organization at mga katuwang nito, Biyernes.
Halos dalawang bilyong doses ng kandidatong bakuna ang naitabi para sa Covax facility, na pinatatakbo ng WHO katuwang ang Gavi vaccine alliance at ang Coalition for Epidemic Preparedness Innovations (CEPI).
Nakapagsimula na ang roll out ng mga bansang tulad ng United States at Britain para sa bakunang binuo ng Pfizer at BioNtech, habang inaasahan na ring malapit nang maaprubahan ang idinevelop na bakuna ng Moderna.
Wala sa mga nabanggit na bakuna ang kabilang sa dalawang bilyong doses, bagamat sinabi ng WHO na nakikipagdiskusyon na ito sa dalawang kumpanya.
“The arrangements announced today will enable all participating economies to have access to doses in the first half of 2021, with first deliveries anticipated to begin in the first quarter of 2021,” pahayag ng WHO, Gavi at CEPI.
Sapat ang naturang shipment ng bakuna upang maprotektahan ang mga health at social care workers na maide-deliver “in the first half of 2021 to all participating economies who have requested doses in this timeframe,” ayon pa sa pahayag. Sinasabing ang deliveries ay nakadepende sa pag-apruba ng mga regulator at kahandaan ng mga bansa para sa delivery.
20 PORSIYENTONG TARGET SA 2021
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang virtual press conference na “light at the end of the tunnel has grown a little bit brighter”.
“But we will only truly end the pandemic if we end it everywhere at the same time, which means it’s essential to vaccinate some people in all countries, rather than all people in some countries,” aniya.
Ayon sa pahayag, sa pagtatapos ng taon, 20 porsiyento ng populasyon sa mga kalahok na bansa ang na-covered na.
Nitong Biyernes, ibinahagi ng WHO na lumagda ito ng isang kasunduan sa US pharmaceutical giant Johnson & Johnson para sa 500 million doses ng kandidato nitong gamot, dagdag sa mga nauna nang kasunduan sa AstraZeneca, Novavax at Sanofi-GSK.
Una nang sinabi ng UN health agency na payag itong isama ang bakunang binubuo ng China at Russia kung mapatutunayan ang kaligtasan at kabisaan nito.
Sinabi ni naman ni CEPI chief Richard Hatchett na nagbubunga na malawakang research at development efforts ng mundo.
“We now have safe and effective vaccines that can protect against Covid-19 and a clear pathway to securing two billion doses for the populations at greatest risk all around the world,” aniya.
Habang pinuri naman ni Gavi chief Seth Berkley ang “unprecedented speed and scale” ng proyekto.
“Securing access to doses of a new vaccine for both higher-income and lower-income countries, at roughly the same time and during a pandemic, is a feat the world has never achieved before,” anito.
Ang Covax ay isang kolaborasyon sa pagitan ng mga organisasyon, kumpanya at 190 bansa—ngunit hindi kabilang dito ang United States o Russia.
Agence France-Presse