ISANG international team ng mga eksperto na bibiyahe patungong China sa susunod na buwan upang magsaliksik sa animal origins ng COVID-19 ang magtutungo sa Wuhan at malayang magsasagawa ng kanilang imbestigasyon doon, pahayag ng WHO nitong Biyernes.

Nang matanong hinggil sa international mission, na ilang buwan na rin inaasikaso ng WHO upang makapunta ng China, sinabi ni World Health Organization emergencies chief Michael Ryan sa mga mamamahayag na inaasahang bibiyahe ang mga eksperto sa “first week of January”.

“There will be quarantine arrangements, obviously, we have to. As ever, we will have to comply with whatever the arrangements are for risk management in travel on arrival and in China itself,” aniya.

Isang taon mula nang umusbong ang novel coronavirus pandemic, na kumitil na ng halos 1.7 milyong tao at nakahawa na sa halos 75 milyon sa buong mundo, nananatiling misteryo kung saan nagmula ang virus at kung paano ito tumawid mula sa hayop patungong tao.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ilang buwan nang tinatrabaho ng WHO ang pagpapadala ng grupo ng sampung

international experts, kabilang ang mga epidemiologists at animal health specialists, sa China.

Una nang nagpadala ang UN health agency ng advance team sa Beijing noong Hulyo upang maglatag ng groundwork para sa international probe.

Ngunit hanggang nitong nagdaang linggo nananatiling malabo kung kailan makabibiyahe ang grupo ng mga siyentista sa China upang masimulan ang epidemiological studies sa paghahanap ng unang first human cases at ang pinagmulan ng impeksyon nito.

Nauna nang lumutang ang mga pangamba kung mabibigyan ng permiso ang mga eksperto na makapunta ng Wuhan, kung saan unang umusbong ang virus noong Disyembre ng nakaraang taon.

‘NOT UNDER CHINESE SUPERVISION’

Gayunman, iginiit ni Ryan nitong Biyernes na bagamat malamang na kailangang dumaan sa proseso ng Beijing ang mga eksperto, walang dudang “the team will visit Wuhan”.

“That’s the purpose of the mission,” aniya.

“The purpose of the mission is to go to the original point at which human cases were detected, and we fully expect to do that.”

Sa tanong kung magtatrabaho sila “under Chinese supervision” habang nasa China. Iginiit ni Ryan na, “It’s a team of international experts with international renown, (who) will work with our Chinese colleagues.”

“They will not be… supervised by Chinese officials.”

“We will operate as we would operate in any member state, at their invitation, with gratefulness for their support to that and with the full intention of pursuing the scientific principles that this organisation has always stood for,” saad pa niya.

Ang WHO aniya, “would provide all the support necessary” sa grupo “in order to find and learn more about the origin and source of this virus.”

Unang pinaniwalaan ng mga siyentista na tumawid ang nakamamatay na virus mula hayop patungo sa tao sa isang pamilihan ng karne ng mga exotic animals sa Wuhan, kung saan unang nadetekta ang virus.

Ngunit ngayon ipinalalagay ng mga eksperto na maaaring hindi doon nag-umpisa ang outbreak, at sa halip ay maaaring doon lamang na-“amplified” ang virus.

Agence France-Presse