HINDI iiwan ni Kai Sotto ang tungkulin sa bayan.

Pinatibay ng Pinoy cage phenom ang commitment na maglaro sa Philippine national men’s basketball team Gilas, sa gitna ng patuloy nyang pakikipagsapalaran upang matupad ang pangarap na makapaglaro sa NBA.

Sa isang recorded video na ipinakita ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kamakailan, ipinahayag na ang 18- anyos na sentro na opisyal na siyang magiging bahagi ng Gilas Pilipinas men’s squad.

Nauna ng naglaro ang 7-foot-2 na si Sotto sa mga FIBA youth tournaments bilang bahagi ng Gilas Youth squad sa continental at world levels.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Tila tinugon ni Sotto ang hiling ng SBP at ng mga Filipino basketball fans na maging bahagi siya ng national team.

“I’m really looking forward na makasama ulit ang aking mga former teammates, and ng mga PBA players na iniidolo ko dati pa,” ani Sotto. “Together with them, I hope we play our best and bring glory to our country.”

Hindi naman nilinaw kung makakapaglaro si Sotto para sa bansa sa darating na third window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers sa Pebrero na gaganapin sa loob ng isang bubble sa Clark, Pampanga.

“You’ve heard Kai, he said he’s going to be available,” pahayag ni Gilas program director Tab Baldwin. “Obviously, this is step one. We like to think we have every belief that he would there for February, but there are still discussions ongoing.”

“Everybody is hopeful,” dagdag pa nito. “We all can’t wait to welcome Kai back to the Gilas fold and take the next step forward toward 2023 with him. I’m very excited to hear that he has a passion for it as well.”

-Marivic Awitan