Ipinagbabawal na ng Quezon City government ang paglabas ng bahay ng mga menor de edad dahil sa patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang nakapaloob sa isang ordinansa na ipinasa ng lokal na pamahalaang lungsod.
Sa ilalim ng ordinansa, hindi dapat nakikita sa mga pampublikong lugar ang mga 17-anyos pababa, kahit pa kasama ng mga ito ang kanilang magulang.
“Ang Ordinansang ito ay batay sa rekomendasyon ng mga dalubhasa sa Philippine Pediatric Society na kailangang manatili ang mga menor-de-edad sa mga tahanan dahil malaki ang tsansa na sila’y mahawa,” ayon kay QC Mayor Mayor Joy Belmonte.
-Joseph Pedrajas