Papalitan na muna ang tradisyunal na pagmamano at pakikipagkamay habang umiiral ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, hindi lamang kung Pasko kundi sa lahat ng okasyon.
Sa halip, ang pagpapamalas ng respeto at papuri ngayon ay sa pamamagitan ng paglalagay sa palad ng kanang kamay sa may dibdib kasabay ang pagyuko o pagtango.
Pinagtibay sa plenaryo ang House Bill 8149 o ang “Bating Pilipino Para sa Kalusugan Act,” na naglalayong mabawasan ang physical contact at maiwasan na magkahawahan.
Paliwanag ni Marikina City Rep. Bayani Fernando, ang may-akda, ang paglalagay sa palad ng kanang kamay sa dibdib ay pagpapakita ng good faith samantalang ang pagtango ay pagrespeto. Gayunman, nagiging dahilan ito ng hawaan ng sakit.
-Bert de Guzman