MAY 48 porsiyento ng mga Pilipino o 12 milyong pamilyang Pinoy ang nagtuturing sa mga sarili bilang “mahirap”, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS). Ginawa ang survey noong Nobyembre 21-25 sa interview (face-to-face) sa 1,500 adults mula 18 anyos pataas.

Sa panayam, 36 porsiyento ang nagsabing sila ay nasa “borderline poor” at

16 porsiyento ang nagsabing “not poor.” Ito raw ang kauna-unahang interview ng SWS nang face-to-face o harapan sapul nang sumulpot ang Covid-10 noong Pebrero-Marso.

Ayon sa SWS, hindi nila naipatupad ang SRP o self-rated poverty sa pamamagitan ng mobile phone surveys nang maaga sa taong ito sapagkat nangangailangan ang respondents ng card na may mga salitang “Mahirap” at “Hindi Mahirap.” Muli, hindi ako nakasama sa tinanong.

Noong Disyembre 2019 nang huling ipatupad ang SRP, may 54 porsiyento ang nagsabing sila ay mahirap, 23 porsiyento ang nasa “borderline poor” at 23 porsiyento ang hindi raw “not poor.” Naniniwala ba kayong bumaba pa ang mga naghihirap ngayon gayong ang daming nawalan ng trabaho dahil maraming negosyo ang nagsara? Hoy, SWS pagbutihin ninyo ang survey at maging matapat sa tunay na pangyayari!

oOo

May nagnanais na patalsikin si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa pamamagitan ng quo warranto proceedings. Marahil ay naniniwala ang nasa likod at may pakana nito na kung si Maria Lourdes Sereno ay napatanggal nila sa quo warranto bilang Chief Justice, aba, puwede rin nilang mapalayas si Leonen sa SC.

Gayunman, may mga mambabatas na naggigiit na tanging ang Kongreso ang may kapangyarihang magpatalsik sa sino mang impeachable official sa pamamagitan ng impeachment complaint. Maliwanag sa Constitution na sa pamamagitan lang ng impeachment maaaring mapatalsik ang kahit sinong impeachable.

oOo

Nananawagan si Vice Pres. Leni Robredo sa publiko at matitinong tao na hanapin at ibunyag ang nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya. Ang pinakahuling fake news ay idinadawit siya sa kilusang komunista sa pamamagitan ng red-tagging. Hoy, mga trolls magtigil na nga kayo sa kalokohang iyan. Hayaan ninyo si VP Leni na magtrabaho para sa bayan.

oOo

Simbang Gabi na. Nanawagan si Health Sec. Francisco Duque III na magsagawa ng contact tracing sa lahat ng dadalo at makikinig ng misa. Ayon sa kanya, mahalaga ang contact tracing upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus at hindi magkahawahan.

oOo

Nais ng mga senador at kongresista na suspendihin muna ang implementasyon ng RFID o radio frequency identification cashless payment sa mga expressways, lalo na sa NLEX. Bakit ba ginawa pa ito samantalang noong may mga cash lanes o na puwedeng magbayad ang motorista eh wala namang grabeng trapiko na nangyayari tulad nang pairalin ang RFID?

oOo

May bago nang Pangulo ang United States sa katauhan ni Joseph Biden Jr. matapos kumpirmahin ng Electoral College ang kanyang pagwawagi laban kay Pres. Donald Trump. Si Joe Biden ang magiging ika-46 Presidente ng US sa Enero 20,2021. Sana ay maging maganda

-Bert de Guzman