Ang mga bagong aplikasyon para sa mga benepisyo ng walang trabaho sa US ay tumaas sa pangalawang sunud-sunod na linggo, ayon sa data ng gobyerno na inilabas nitong Huwebes, na may 885,000 na mga aplikasyon na naisumite noong nakaraang linggo.

Ang pagtaas seasonally adjusted claims ay mas masahol kaysa sa inaasahan at mas marami ng 23,000 kaysa naunang binagong antas ng nakaraang linggo, iniulat ng Labor Department.

Ito rin ang ikaapat na linggo ng pagtaas sa nakaraang lima, nagpapahiwatig na tumataas ang mga pagtanggal ng trabaho sa gitna ng matagal at patuloy na negosasyon sa Kongreso tungkol sa isang bagong stimulus package upang tulungan ang pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemyang coronavirus.

Humigit-kumulang 20.6 milyong katao ang tumatanggap ng mga benepisyo sa pamamagitan ng lahat ng mga programa ng gobyerno hanggang sa natapos ang linggo noong Nobyembre 28, isang pagtaas ng halos 1.6 milyon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

AFP