Sinabi ng Twitter nitong Miyerkules na buburahin nito ang maling mga post tungkol sa mga bakunang Covid-19 simula sa susunod na linggo, sumusunod sa mga yapak ng Facebook at YouTube.

Nagta-target na ang social media platform ng mga post na naglalaman ng maling impormasyon tungkol sa kung paano kumalat ang virus at ang bisa ng mga hakbang sa kalusugan ng publiko tulad ng pagsusuot ng mask.

“We will prioritize the removal of the most harmful misleading information, and... begin to label tweets that contain potentially misleading information about the vaccines,” saad sa pahayag ng Twitter.

“We are focused on mitigating misleading information that presents the biggest potential harm to people’s health and wellbeing.”

Pelikula

'Mananapak na!' Claudine Barretto, gaganap bilang 'Inday Sara?'

Kasama sa patakaran ang pagkilos laban sa mga pahayag na ginagamit ang bakuna upang sadyang magdulot ng pinsala o kontrolin ang mga tao.

Nagsimula na ang mga kampanya sa pagbabakuna sa maraming mga bansa, kabilang ang Britain, United States at Canada, at magsisimula na sa European Union pagkatapos ng pahintulot mula sa regulator para sa bakunang binuo ng Pfizer-BioNTech.

Ang YouTube at Facebook ay nauna nang nag-anunsyo ng mahigpit na mga patakaran upang i-censor ang maling impormasyon sa bakuna at pagsisikap na makagambala sa mga kampanya sa pagbabakuna.

Agence France-Presse