Humingi ng paumanhin si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa publiko kaugnay ng palpak na pagpapatupad sa kautusan nitong contactless payment system sa mga toll expressway.
“I express my apologies to the users of the tollways, to the local government, for the inconvenience whatever is caused,” ang bahagi ng pahayag ni Tugade sa isang televised meeting nito kay Pangulong Rodrigo President Duterte, nitong Miyerkules ng gabi.
Sa nasabing pagpupulong, nagpahayag ng pagkadismaya ang pangulo kaugnay ng problema sa implementasyon ng radio frequency identification (RFID) payment scheme na umani ng kritisismo dahil na rin sa pagpalya ng sistema nito na nagdulot ng sa matinding trapiko.
Gayunman, tiniyak ni Tugade na kumikilos na sila upang itama ang sistema.
“Kapag nagkaroon ng glitch, pila ‘yan -- sagutin niyo na ‘yon kasi that is a problem of the system. Why should you make the travelers and the public suffer? You bear the cost because that is your system. Pag-aralan ninyo lang sa lalong madaling panahon ‘yan kasi i-implement ko talaga ‘yan. Ipapaalis ko ‘yung mga barriers,” pagdidiin pa ng opisyal.
-Alexandria San Juan