PUNO na ang salop, dapat na kayong kalusin.

Mitra at Ramirez

Mitra at Ramirez

Para kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez, tapos na ang maluwag na panuntunan bilang pakikisama sa mga National Sports Associations (NSAs) at kailangan na ang kamay na bakal hingil sa pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa itinuturing ‘underperformed NSAs’.

Iginiit ni Ramirez na pera ng sambayanan ang ibinibigay ng PSC sa mga NSA’s kung kaya’t lubhang napakahalaga na masiguro na nagagamit ito ng tama at tunay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa taong-bayan at tagumpay sa bansa.

BALITAnaw

'Chapter closed:' Ang KathNiel sa loob ng 11 taon

“We spent billions of pesos for the elite athletes and to support the program of the NSAs. So the PSC, the government and the people are expecting and demanding good performance, but sa pag-aaral namin, more than 40 NSAs are not delivering,” pahayag ni Ramirez sa kanyang ‘year-end report’ interview nitong Huwebes sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ on Air via Zoom at livestreaming sa Facebook at Yourtube.

“Kaya, starting next year, magugulat kayo. Hindi muna namin papangalanan ang mga NSA to give them more time to settle their obligations. But, the PSC Board already decided not to give financial assistance and they are no longer priority if they remained un-liquidated and underperformed,” aniya.

Nilinaw ni Ramirez na hindi maapektuhan ang tulong at suporta sa mga atleta sa ipapatupad na alituntunin sa susunod na taon.

“Direct to athlete na ang financial assistance. Maglalagay na kami ng PSC Disbursing Officer para sa bawat alis ng mga atleta , training or competing abroad, liquidated na pagbalik nila,” ayon kay Ramirez sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR at Games and Amusements Board (GAB).

Sinabi rin ni Ramirez na hihingin din nila ang ‘profile’ sa suporta ng pribadong sektor sa mga NSAs at sa atleta upang maikumpara kung magkano ang budget na naibigay ng sponsors at ng pamahalaan.

“We need to check this one. Ang nangyayari kasi kung nanalo ang atleta sa airport pa lang nahaharang na ng sponsors na akala mo sila ang gumastos ng todo sa mga atleta,” sambit ni Ramirez.

-Edwin Rollon