Maglalaan ang Kamara ng P50 milyon para sa libreng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines ng mahigit sa 2,000 kawani ng Kapulungan.

Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na ang nasabing halaga ay para sa vaccination program kung saan ang bawat empleyado at limang miyembro ng kanyang pamilya ay babakunahan ng alinman sa AstraZeneca mula sa United Kingdom o ng Sinovac mula sa China.

Idinagdag niya na maging ang mga miyembro ng media na nakatalaga sa House of Representatives ay kasama rin sa libreng bakuna.

Nilinaw nito na ang mga kongresista na ay hindi muna bibigyan ng bakuna hangga’t hindi pa nababakunahan ang lahat ng empleyado at media members na nakatalaga sa nasabing lugar.

National

PBBM, nag-react sa findings ni Sen. Imee sa pag-aresto kay FPRRD: ‘I disagree!’

-BERT DE GUZMAN