LIMANG taon na ang nakararaan, nagpulong ang mga bansa sa mundo, kabilang ang Pilipinas, sa Paris, France, hinggil sa problema ng climate change sa mundo—ang pagtaas ng temperatura ng mundo dulot ng mga carbon emissions na nalilikha ng mga industriya, na nagdudulot ng pagkatunaw ng mga polar ice, na nagpapataas naman sa lebel ng karagatan at nagdudulot ng pag-usbong ng mga mapaminsalang bagyo.
Isang Climate Ambition Summit ang pinangunahan ngayong linggo ng United Nations katuwang ang pamahalaan ng Britain at France ang ma-assess ang mga aksiyong ginawa hinggil sa klima ng mundo mula nang maganap ang Paris conference limang taon na ang nakalilipas. Sumang-ayon ang mga bansa noon na limitahan ang pag-init ng temperatura ng mundo ng hindi tataas sa 1.5 degrees Celsius at nagsumite ang bawat bansa ng pangakong plano upang makahakbang tungo sa hangarin.
Nitong Sabado, sinabi ni UNSecretary General Antonio Guterres sa Climate Ambition Summit: “Carbon dioxide levels are at a record high. Today we are 1.2 degrees hotter than before the Industrial Revolution. If we don’t change course, we may be headed for a catastrophic temperature rise of more than 3 degrees this century. That is why today Icall on all leaders worldwide to declare a state of climate emergency in their countries until carbon neutrality is reached.” Guterres said 38 countries have aleady done so. “All other countries should follow,” aniya.
Kinilala ng Climate Ambition Summit ang mga inanunsiyong pangako kamakailan ng ilang bansa sa pangunguna ng China kung saan sinabi ni President Xi Jinping na kikilos ang kanyang bansa na mabawasan ang emissions nito ng 65 porsiyento higit sa 2005 lebel pagsapit ng 2030.
China ang unang bansa na nag-anunisyo ng pangako nito sa Paris goal, nang mangako ni President Xi Jinping sa United Nations nitong Setyembre na hahangarin ng China ang zero carbon emissions pagsapit ng 2060. Agad itong sinundan ng Japan, kung saan nangako si Prime Minister Yoshihide Suga na aabutin ang katulad na hangarin pagsapit ng 2050.
Sinabi ni Xi na nagpahayag ng pangako ang China bagamat papaunlad pa lamang ito sa usaping ekonomikal. Kailangan mas umaksyon ang mas mayayamang bansa, aniya, na tila pagtukoy sa United States, sa ilalim ni President Donald Trump, ang tanging bansa na tumanggi sa Paris Agreement.
Gayunman, inanunsiyo na ni incoming US President Joseph Biden, na agad niyang ibabalik ang US sa asembleya ng mga bansa na nangako na tatapyasan ang kanilang carbon emissions.
Maliit lamang ang nagiging ambag ng Pilipinas sa carbon emission ng mundo, ngunit nangako itong gagawin ang kanyang bahagi. Nitong nakaraang buwan, idineklara ng
Department of Energy ang moratorium sa pagbibigay ng permiso sa mga coal power plants. Dapat itong mabigay daan sa “more opportunities for renewable energy to figure prominently in our country’s energy future,” pahayag ni Secretary of Energy Alfonso Cusi.
Patuloy na nakatali ang mundo sa COVID-19 pandemic ngunit hindi nito nakalilimutan ang iba pang mga problemang kinahaharap nito sa kasalukuyan, tulad ng climate problem na patuloy na nagpapalala at nagbabanta sa buhay ng lahat ng tao sa planeta na higit na mas malawak kumpara sa mga sigalot sa rehiyon, kagutuman sa maraming bansa, at maging sa mga epidemya tulad ngayon na nagsisimula pa lamang tayong makabangon.