MAS malaking bilang ng indibidwal, kabilang na ang presensiya ng live audience sa professional sports event ang isa sa isinusulong na prioridad ng Games and Amusements Board (GAB) sa susunod na taon.

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, kabilang ang pagdagdag sa kapasidad ng tao sa sinisimulang bubble tournament sa mga kahilingan na isinumite ng ahensiya sa Inter-Agency Task Force (IATF).

“Lesson learned yung mga ginawang bubble. At nakita namin na kailangan na talagang mag-level up. Gumawa na kami ng ‘Supplemental Guidelines’ sa napaabrubahan nating JAO at isinumite na namin ito sa IATF,” sambit ni Mitra sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports nitong Huwebes via Zoom.

Ayon kay Mitra, ang pagkakaroon ng live audience ay isa ring pamamaraan upang masigurong buhay ang liga.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Sa pro sports , hanap-buhay ito ng mga players. Sa mga sponsors at team owners yung live audience ay malaking tulong sa tiket sales na siya namang kita nila. From 20 percent na tao sa venue, request namin madagdagan sa 50% percent kasama na ang team officials, players at audience,” sambit ni Mitra.

"Hindi naman tayo nagpapabaya sa GAB. Expected din sa mga organizers at league management dahil isang mali, talagang matitigil ang mga laro. During the recent professional summit, napag-usapang mabuti ito at marami ang natuwa at nais na gayahin yung sistema ng PBA, ng PFL at sa golf," ayon kay Mitra.

-Edwin Rollon