JAKARTA (AFP) — Sinabi ng Pangulo ng Indonesia na si Joko Widodo nitong Miyerkules na siya ang magiging unang tao sa bansa na babakunahan para sa Covid-19 habang inilatag niya ang isang kampanya ng mga libreng pagturok para sa lahat sa ikaapat na pinakamataong bansa sa buong mundo.
Inanunsyo ito ni Wikodo habang nakikipaglaban ang Indonesia sa maling impormasyon tungkol sa virus upang mapigilan ang isang sariwang alon ng mga impeksyon, na may humigit-kumulang na 630,000 na naitala nitong Miyerkules at higit sa 19,000 na ang namatay.
“The Covid-19 vaccine for all citizens will be FREE,” sinabi ni Widodo sa video sa kanyang Twitter account.
Orihinal na sinabi ng gobyerno na ang mga manggagawa lamang sa kalusugan, matatanda at iba pang pangunahing tauhan ang bibigyan ng bakuna nang libre.
Hindi sinabi ni Widodo kung kailan siya kukuha ng bakuna, o kung kailan magsisimula ang pambansang programa ng pagtuturok.
Ngunit sinabi na masaya siya na siya ang unang babakunahan upang mapatunayan na ito ay ligtas.
“There’s no reason people shouldn’t get the vaccine or doubt its safety,” dagdag niya.
Pumirma ang Indonesia ng mga kasunduan para sa higit sa 350 milyong dosis ng bakuna mula sa iba’t ibang international pharmaceutical companies - kabilang ang British-Sweden firm na AstraZeneca at Chinese suppliers na Sinovac.