Nakakulong na ngayon ang isang benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development, nang dakpin ng pulisya sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City, nitong Miyekules ng gabi.

Kinilala ang naaresto na si Benjamin Mlok, 40, may asawa, at taga-156 Cagayan De Oro Street, Maharlika Village, Taguig City.

Sa ulat ni S/Sgt. Daryl Genetia, may hawak ng kaso, ang suspek ay inaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa bahay nito, dakong 11:30 ng gabi.

Narekober sa suspek ang dalawang pakete ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P40, 800, brown coin purse, cellphone at boodle money.

National

Atty. Kaufman, pinuri pag-imbestiga ni Sen. Imee sa pag-aresto kay FPRRD

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek.

-Bella Gamotea