PINANGUNAHAN ni dating UAAP Most Valuable Player Marichu Bacaro ang 61 mula sa 80 rookie draftee sa isinagawang Women's National Basketball League (WNBL) Draft Combine nitong Sabado sa Victoria Sports Tower sa Quezon City.

Nanguna ang UAAP Season 71 MVP sa mga sumailalim sa agility tests at biometrics bilang unang hakbang bago isagawa ang  makasaysayang Rookie Drafting ng kauna-unahang women’s professional basketball league sa bansa.

Kasama niyang lumahok sa nasabing aktibidad ang mga posibleng top draftees na sina Shellyn Bilbao, Ria Mendoza, Mary Grace Balang, Karla Manuel, Bienca Ramos, Hanna Brobio, Jelline Batnag, Johana Rafer, Sarah Antonio, Katherine Jumapao,Kikay Gandalla, May Confesor, Almira Del Rosario, Diana Doqueza, Carole Monteyola, Shayla Perez, Kat Araja, Angelica De Austria, Noella Cruz, Veronia Lio, Ronalyn Linaban, Janella Alba at Jash Jacinto.

Kabilang din sa grupo ng mga centers at forwards sina Anjiennette Go, Janine Garrido, Jo Razalo, Carol Sangalang, Nefriteri Taller, Jastine Mandap, Andrienne Malana, Katrina Magsombol, Tiffany Ngo, Jaira Baarde, Sthefanie Ventura, Shenzhen Callangan, Reynalyn Ferrer, Joie Ceniza, Tin Cortizano, Rosanelle Ranoco, Samantha Sicad, Samantha Tan, Anne David, Dian Aure, Richelyn Badajos, Nikka Tupaz, Syrille Villar, Ann Flores, Julie Gula, Judy-Ann Orillana, Anna Maristela, Crislyn Mier, at Jhenn Angeles.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasama rin sa naturang bilang na 61 sina Nicole Cancio, Elaisa Adriano, Lor Capilit, Pesky Pesquera, Michelle Bio, Camille Claro, Jinky Balasta, at Khaterine Catimbuhan.

Hinati sila sa anim na batch kung saan ang bawat batch ay may tig-10 players. Wala namang isinagawang scrimmages base na rin sa iniatas ng IATF.

Ipinatupad din ang mahigpit na  health and safety protocols na inaprubahan ng Games and Amusements Board (GAB) sa kabuuan ng event kabilang na ang pagsailalim sa antigen tests ng lahat ng kalahok bago sila pumasok ng venue.  Marivic Awitan