PINAYAGAN na ng Inter- Agency Task Force (IATF) ang ‘bubble' training para sa mga atletang kwalipikado sa Tokyo Olympics.

Ipinahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Malacanang media briefing nitong Martes na maaari nang magbalik ensayo ang mga miyembro ng National Team na sasabak sa Tokyo Games sa Agosto batay sa request ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

NAGKAKAISA sina GAB Chairman Mitra (kaliwa) at PSC Chairman Ramirez na napapanahon na matukoy ang responsibilidad ng pro at amateur sports. PSC PHOTO

NAGKAKAISA sina GAB Chairman Mitra (kaliwa) at PSC Chairman Ramirez na napapanahon na matukoy ang responsibilidad ng pro at amateur sports. PSC PHOTO

Hindi naman direktang natukoy kung kabilang sa magbabalik ensayo ang mga atleta na nakatakdang sumabak sa nalalabing Olympic qualifying tournament sa abroad sa unang quarter ng 2021.

BALITAnaw

'Chapter closed:' Ang KathNiel sa loob ng 11 taon

Inihanda na ng Philippine Sports Commission (PSC), ayon kay Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mahigpit na programa para sa pagpapatupad ng ‘safety and health’ protocols na batay sa ‘guidelines’ ng World Health Organization, Department of Health, at IATF.

Matatandaang nakipagtulungan ang PSC sa DOH at sa Games and Amusements Board (GAB) para mabuo ang Joint Administrative Order (JAO) para sa hinay-hinay na pagbabalik ng mga aktibidad sa sports.

Nitong Hulyo, nasimulan na ang pagbabalik ng professional sports sa basketball at football at kalaunay napayagan na rin ang horseracing at cockfighting, boxing at iba pang combat sports.

“Ang pag-conduct ng bubble-type setting ay gagawin sa pakikipag-ugnayan sa regional task force kung saan gagawin ang training at lokal na pamahalaan kung saan nandun ang proposed venue,” pahayag ni Roque, patungkol sa IAATF resolution No.88.

Sa kasalukuyan, pawang nasa abroad at nagsasanay ang Tokyo Olympic-bound na sina boxer Eumir Marcial (Los Angeles), pole vaulter Ernest Obiena (Italy), at gymnast Carlos Yulo (Japan). Tanging si lady boxer Irish Magno ang nasa bansa.

-Edwin G. Rollon