SUNDERLAND (AFP) — Isang pinaghihinalaang mangangalakal ng droga na pinara ng British police ay sinuwerte nang walang makitang kahit ano sa kanyang sasakyan - hanggang sa hinugot niya ang kanyang telepono upang ma-access ang isang translation app at hindi sinasadyang ipinakita sa mga opisyal ang isang video ng kanyang cannabis farm.
Ang pulisya sa Sunderland ay gumawa ng isang regular na pagoara ng isang kotseng Mercedes at napansin ang malakas na amoy ng cannabis nang kapanayamin nila ang driver at pasahero nito, sinabi ng Northumbria Police sa isang pahayag noong Lunes.
Ngunit wala silang natagpuang kahina-hinala sa paghalughog nila sa sasakyan, gayunman ang isa sa mga suspek, na hindi marunong mag-Ingles, ay ibinuko ang sarili.
“In a bid to fully understand officers, he opened up his phone to click on Google Translate,” sinabi ng pulis.
“Much to his horror, a video appeared on his screen which showed a significant cannabis farm in operation,” sinabi ni Sergeant Steve Passey.
“It’s safe to say the suspect was a little shocked and tried to quickly lock his phone in the hope that nobody had seen.”
Nang maglaon ay sinalakay ng pulisya ang bukid at natagpuan ang isang sopistikadong operasyon ng cannabis na may 600 mga halamang cannabis sa tatlong palapag.
Inaresto ang dalawang lalaki sa hinala ng paggawa ng isang Class B drug at pinalaya matapos magpiyansa sa pulisya.