Halos kalahati ng mga pamilyang Pilipino ay itinuring ang sarili na mahirap, ipinakita sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Lumutang sa survey, na unang ginawa nang harapan dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa 1,500 respondente, na 48 porsyento ng mga pamilya ang nag-rate ng kanilang sarili bilang mahirap, 36% ang nakadama ng Borderline Poor, at 16% ang nadama na Not Poor sila.
“Self-Rated Poverty (SRP) could not be implemented in the SWS mobile phone surveys earlier this year since it requires showing the survey respondents a card with the words MAHIRAP and HINDI MAHIRAP, separated by a LINE, written on it,” sinabi ng SWS.
-Dhel Nazario