DELAWARE (AFP) — Sinabi ni Joe Biden nitong Lunes na napatunayang “resilient” ang demokrasya ng US laban sa pag-abuso sa kapangyarihan ni Donald Trump matapos kumpirmahin siya ng Electoral College bilang susunod na pangulo.
Sa kanyang unang pinalawak na pag-atake kay Trump mula noong halalan, sinabi ni Biden sa kanyang bayan sa Wilmington, Delaware, na ang pangulo at ang kanyang mga kakampi ay “refused to respect the will of the people, refused to respect the rule of law, and refused to honor our constitution.”
Ang tinutukoy ni Biden ay ang demanda ng Republicans, na suportado ni Trump, na naghahangad na ibaligtad ang mga resulta sa maraming pangunahing estado, bago ito tinanggihan nang lubos ng Supreme Court nitong Biyernes.
Pinuri ni Biden ang mga botante sa pagboto noong Nobyembre 3 sa kabila ng mga pangamba sa Covid-19 at “enormous political pressure, verbal abuse and even threats of physical violence” laban sa mga tumatakbo sa halalan.
“Our democracy -- pushed, tested, threatened -- proved to be resilient, true, and strong,” sinabi ni Biden.
Sa pagsasapormal ng Electoral College sa kanyang tagumpay ilang oras lamang, sinabi ni Biden sa nahating bansa: “It’s time to turn the page.”
“I’m convinced we can work together for the good of the nation,” aniya.
Si Biden, ang dating bise presidente ni Barack Obama, ay manunumpa bilang ika-46 na pangulo sa Enero 20.