LONDON (AFP) — Nahaharap ang kabisera ng Britain sa mas mahihigpit na mga hakbang sa Covid-19 sa susunod ng mga araw, sinabi ng gobyerno ng UK nitong Lunes, at isang bagong variant ng coronavirus ang umuusbong na posibleng dahilan para sa mabilis na pagtaas ng mga antas ng impeksyon.

covid

Sinabi ni Health Secretary Matt Hancock na ang London, at mga bahagi ng tatlong nakapalibot na mga lalawigan, ay lilipat sa pinakamataas na tatlong antas ng mga paghihigpit na magkakabisa sa buong England simula Miyerkules.

Kailangang magsara ang mga pub, bar, restawran at iba pang mga lugar ng hospitality maliban sa takeaway na pagkain, gayundin ang mga sinehan at iba pang mga lugar sa sektor ng entertainment.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang mga miyembro ng iba’t ibang sambahayan ay hindi maaaring makisalamuha sa loob ng bahay, gayunman ang mga tao ay maaari pa ring magtagpo sa mga pangkat na hanggang anim sa mga pampublikong lugar sa labas. Ang mga tindahan at paaralan ay maaaring manatiling bukas.

“This action is absolutely essential, not just to keep people safe but because we have seen early action can prevent more damage and longer-term problems later,” sinabi ni Hancock sa parliament.

Sa ilang mga lugar, ang mga kaso ay dumodoble tuwing pitong araw, sinabi niya, na nagbabala: “It only takes a few doublings for the NHS (National Health Service) to be overwhelmed.”

Naranasan na ng London ang isang matinding pagtaas sa mga pang-araw-araw na kaso at pagkakaospital, at may pag-aalala tungkol sa “new variant” ng coronavirus na una nang napansin sa timog-silangan ng England, kung saan ang mga kaso ay pinakamabilis na tumataas ngayon, sinabi ng mga opisyal.

Nagbigay diin si England Chief Medical Officer Chris Whitty na walang katibayan na ang variant ay mas mapanganib, nakakahawa o kayang iwasan ang testing.

Nag-iingat din siya na isisi dito ang pagtaas ng mga kaso sa buong timog-silangan ng bansa.

“The variant may or may not be contributing to that,” sinabi ni Whitty sa isang press conference, idinagdag na: “We don’t know what’s cause and effect.”

Sinabi ni Andrew Davidson, mambabasa sa virology sa Bristol University, na ang mga coronavirus ay kilala na nagbabago, na nangyari na sa ibang lugar sa Europe at Hilagang Amerika, at hindi palaging mas mabagsik.

“However, if they spread more easily but cause the same disease severity, more people will end up becoming ill in a short period of time,” aniya.

Sinabi ni Jeremy Farrar, director ng Wellcome Trust, na hindi pa malinaw kung paano makakaapekto ang variant sa mga unang bakuna at paggamot.

“The surveillance and research must continue and we must take the necessary steps to stay ahead of the virus,” dagdag niya.

Noong Biyernes, ang “R number” sa London na nagpapahiwatig kung gaano karaming mga ibang tao ang mahahawaan ng virus ay nasa pagitan ng 0.9 at 1.1, ayon sa website ng gobyerno.

Ang London ay nagtala ng higit sa 201,000 ng 1.8 milyong positive tests sa buong bansa, at higit sa 7,000 ng mahigit sa 63,000 pagkamatay.