Ni Edwin Rollon

HINDI salungat ang Philippine Sports Commission (PSC) sa kabuuan ng isinusulong na House Bill 1526, ngunit iginiit niyang kailangan itong amyendahan upang maging katangap-tangap sa lahat ng stakeholders ng Philippine sports.

Sinabi ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na nauunawaan niya ang pagnanais nina AKO Bicol party-list Congressman Alfredo Garbin  at Elizaldy Co na maisulong ang kapakanan at seguridad ng mga batang atleta, subalit taliwas sa isinusulong na grassroots sports development program ng bansa ang batas na magbabawal sa batang atleta na may edad 15 pababa na sumalang sa mga kompetisyon ng contact at combat sports.

RAMIREZ: Kailan transparent tayo sa mapipili sa PH Team

RAMIREZ: Kailan ang amyenda sa HB 1526.

Human-Interest

Dating tindero ng isda sa Quiapo, sikat na filmmaker na sa Dubai!

“I’m really against the HB Bill 1526 banning the minor for full contact sports. It’s a good bill and I think it’s a wake-up call for all sports leaders, officials and stakeholders to re-think their program of activities for young athletes. Amyendahan lang natin, okey naman because in the end iisa lang naman ang pakay natin maiangat ang sports para sa seguridad ng mga batang atleta sa kanilang physical and mental health,” pahayag ni Ramirez sa isinagawang media conference via Zoom nitong Biyernes.

Ayon kay Ramirez, ang grassroots sports development program ay hindi nakasentro lamang sa sports associations, sa mga inststitution, DepEd, PSC at Philippine Olympic Committee (POC), bagkus sa lahat ng stakeholders.

“Tulong-tulong tayo rito. Actually, hindi lahat ng NSA may grassroots sports program. May nakadepende lang sa programa ng DepEd , ng mga liga at sa PSC. But to achieve this, we need a united stand, consultative effort. Kami sa PSC gusto namin na suportahan lahat, but our budget is limited,” sambit ni Ramirez.

“Yung definition sa contact sports medyo hindi rin klaro yan kung pagbabasehan ng HB bill ay masiguro na hindi masasaktan ang batang atleta. Kahit saan sports, kasama yung disgrasya. Sa gymnastics puweden mapilay kung mali ang guide sa training ng mga coach at trainer. Sa baseball puwedeng ma-inured ang bata sa fast ball. Hindi dahil walang contact ang players sa sports walang injury? Hindi ganoon ang sports,” paliwanag ni Ramirez.

Iginiit ni Ramirez na sa panig ng PSC, sinisiguro nila na mabibigyan ng pondo ang mga sports association upang maisagawa nila ang educational workshop, training sa mga coaches at officials at sapat na kagamitan na magagamit sa pagsasanay.

“Kaya nagpapasalamat kami sa Senado at sa Congress sa patuloy na suporta sa amin para madagdagan ang pondo ng PSC.  Train our athletes in young age is part of sports development, but we laso need to train, constant training our coaches, officials, trainers. Hindi purke nakaatend ng isang oras na workshop puwede nang maging coach, hindi ganoon,” pahayag ni Ramirez.

Umani ng batikos mula sa 13 combat and contact sports association ang HB 1526 sa isinagawang public hearing nitong Miyerkoles dahil sa pagiging salungat nito sa isinusulong na sports development program.

“Absolute nightmare,” giit ni wrestling head Alvin Aguilar.

“Redundant,” saad naman ni muay thai secretary general Pearl Managuelod, isa sa 13 NSA head na lumagda sa position paper laban sa naturang panukalang batas.