PORMAL nang ipinahayag ng Management Committee (Mancom) ang kanselasyon ng niversity Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 83 tournament.
Lahat ng mga presidente ng walong miyembrong paaralan ng liga ay sumang-ayon na hindi na idaos ang ika-83 taon ng liga dahil sa banda ng COVID-19.
Sa statement na inilabas ng liga nitong Biyernes, sinabi ng Board of Trustees na naniniwala silang hindi pa maaaring magdaos ng anumang sporting event para sa mga student-athletes sa susunod na anim na buwan dahil sa bans ana pandemic.
“After a series of discussions, the UAAP Board of Trustees came to this difficult decision, putting major consideration on the health and safety of the student-athletes and those involved in the operations of our competitions,” ayon sa UAAP statement.
Noong nakaraang Abril 7, kinansela ng liga ang mga nalalabing events para sa Season 82 dahil sa COVID-19 outbreak.
-Marivic Awitan