Ayon sa pinakamatandang collegiate league sa bansa, isinasaayos na ang lahat ng aspeto ng programa, higit sa ‘safety and health’ protocol para sa pagbubukas ng 2021 sa ikalawang quarter ng taon.
Kabilang sa formar na inihahanda ang dalawang brackets para sa 10 koponan sa Seniors Basketball, Women’s Volleyball at Men’s Volleyball teams para sa gaganaping ‘bubble’.
Sa isang grupo, magsasama-sama ang Letran, Perpetual Help, Lyceum, Mapua at Jose Rizal University na lalahok sa bubble na isasagawa sa Intramuros habang magsasama-sama naman ang San Beda, Arellano, EAC, San Sebastian at College of Saint Benilde sa isa pang bubble na gaganapin naman sa Mendiola o sa Recto.
Magkakaroon ng tig- 20 elimination round games bawat bracket kung saan ang mangungunang dalawang koponan ay uusad sa crossover Final Four at ang dalawang koponan na tatapos na topnotcher ay may twice-to-beat incentive.
Gaganapin ang semifinals sa panibagong will bubble sa Arellano o sa San Beda pero kailangan munang mag quarantine ng mga teams ng dalawang linggo bago pumasok ng bubble gaya ng gagawin nila nago simulan ang eliminations.
-Marivic Awitan