Napipintong magpatupad muli ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Sa pagtay ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P0.50 hanggang P0.60 ang presyo ng kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.
Ang nasabing hakbang ay kasunod na rin ng development ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine at presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Bella Gamotea