Pagkakalooban ng bakasyon o tinatawag na “paid pandemic leave” ang mga empleyadong tatamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang nilalaman ng House Bill 7909 (Pandemic Law of 2020) na inakda ng Makabayan bloc at pinagtibay ng House committee on labor and employment sa pamumuno ni 1-Pacman party-list Rep. Enrico Pineda.

Kabilang sa mga umakda nito ay sina Reps. Arlene Brosas (GABRIELA), Carlos Isagani Zarate, Eufemia Cullamat at Ferdinand Gaite (BAYAN MUNA), France Castro (ACT Teachers) at Sarah Jane Elago (KABATAAN).

Sa ilalim ng panukalang batas, pagkakalooban ng 14-araw na bakasyon na may bayad ang isang empleyado sa pribadong sektor kapag siya nakumpirma o pinaghihinalaang may kaso ng COVID-19.

Eleksyon

'Batas para sa mahirap' ipapanukala ni Willie Revillame 'pag naging senador

Pagkakalooban din ng 60 araw na bakasyong may bayad kapag ang empleado ay nawalan ng trabaho o isinailalim sa floating status dahil sa pandemic.

-Bert de Guzman