Kumpiyansa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na malalansag na nila ang New People’s Army (NPA) bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Inilabas ni AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay, ang reaksyon matapos na pagbatayan ang naiulat na may kabuuang 201 rebelde ang napapaslang, bukod pa ang pagkakaaresto ng 264 miyembro at boluntaryong pagsuko ng 7, 615 mga supporter ng kilusan mula noong Enero ng kasalukuyang taon.

Dahil dito, malapit na aniyang matamo ang pagtatapos ng limang dekadang problema ng pamahalaan sa mga komunista.

“I can confidently say that we are close to realizing our goal of totally destroying this communist armed threat by 2022,” aniya.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“With operational excellence, organizational efficiency, and the steady support of our people, we can achieve the complete victory we’ve been aiming for,” dagdag nito.

Determinado aniya ang pangulo na lipulin ang mga rebelde bago pa man matapos ang kanyang administrasyon.

Nitong Disyembre 2019, iniutos ni Duterte sa pulisya at militar na puksain ang mga rebelde na isa sa “sakit ng ulo” ng gobyerno.

-MARTIN SADONGDONG