TULOY-TULOY ang pagkilalang natatanggap ng 2019 Cinemalaya film na Iska sa abroad, matapos itong muling magwagi, sa pagkakataong ito sa 2020 Asian Film Festival.

Proud na binati Cinemalaya ang production team ng pelikula sa pagkapanalo nito bilang Best Screenplay sa prestigious event na idinaos sa Barcelona.

“Theodore Boborol’s ISKA won Best Screenplay at the 7th Asian Film Festival - Barcelona’s Special Section program. Congratulations to Mary Rose Colindres, Direk Ted, and their team for this recognition,” ayon sa post ng Cinemalaya sa Facebook. ==

Una rito, tatlong beses lang namang tumanggap ng international awards for Best Actress ang bida ng pelikula na si Ruby Ruiz: Sa 6th Herat International Women’s Festival in Afghanistan, sa 15th Harlem International Festival sa New York City, at sa 15th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Events

'Rated J?' Korina Sanchez, Jessica Soho naispatang magkasama sa Vatican

Mula sa direksyon ni Direk Theodore Boborol, patungkol ang Iska sa buhay ng isang mapagmahal, at mahirap na lola ng isang autistic child na mawawalan ng lahat ng buhay, hanggang sa masadlak sa sitwasyong inasahan ng lipunan.

Bahagi rin ng pelikula sina Soliman Cruz, Ricky Rivero, Jonic Magno, Jomari Angeles, RK Bagatsing, at Beauty Gonzalez.

Higit 100 feature films ang naging bahagi ngayong taon ng Asian Film Festival Barcelona mula sa 25 bansa sa Asia-Pacific region.

-RICHA NORIEGA