WASHINGTON (AFP) — Inaprubahan ng Unites States ang Pfizer-BioNTech Covid-19 vaccine nitong Biyernes, na nagbibigay daan sa nalalapit na paglulunsad nito sa buong bansa, at ipinangako ni President Donald Trump na ang mga unang pagbabakuna ay magaganap “in less than 24 hours.”

“I am authorizing the emergency use of Pfizer-BioNTech COVID‑19 Vaccine for the prevention of COVID-19,” isinulat ni Denise Hinton, Food and Drug Administration’s chief scientist sa isang liham sa isang Pfizer executive.
Nagpalabas kaagad si President Donald Trump ng isang video sa Twitter, kung saan binati niya ang development.
“The first vaccine will be administered in less than 24 hours,” sinabi ni Trump sa televised address na inilabas sa Twitter.
“Through our partnership with FedEx and UPS, we have already begun shipping the vaccine to every state and zip code in the country,” aniya, idinagdag na ang mga gobernador ang magpapasya kung sino ang unang tatanggap ng mga bakuna sa kanilang mga estado.
Ang US ngayon ay ikaanim na bansa na nag-apruba two-dose regimen, pagkatapos ng Britain, Bahrain, Canada, Saudi Arabia at Mexico.