NAKAKATABA ng puso at talagang mapapabilib ka sa ating mga kababayan na mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Sa kabila ng nararanasang hirap, pangamba at alalahanin para sa sarili at sa pamilyang pansamantalang naiwan sa bansa dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, nagawa pa ring magkaisa at makapag-organized ang grupo ng mga Pinoy sa Tokyo, Japan, sa pangunguna nina Madam Myles Briones-Beltran at Mr. Arnel Punzalan para pasayahin ang ating mga kababayan hindi lamang sa ‘Land of the Rising Sun’ bagkus sa buong panig ng mundo.

Dahil walang Pinoy ika nga na hindi palaban pagdating sa biritan, isinagawa ni Madam Myles na isa ring certified Karaoke-enthusiast, ang Birit ni Kiday’ International Karaoke Challenge.

Matapos ang mahigit isang buwang kompetisyon through on-line (mapapanood sa Youtube ang ilang entries) napili ang tatlong pinakamahuhusay na finalists na sina Patricia Daiz Garcia mula sa Kingdom of Saudi Arabia, Ruby ‘Bofill’ Rubrik Nedobstaz mula HongKong at Jeneth Orpesa.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“Best of luck mga anak! Give your best kase final na. Walang tulak kabigin ang ating mga contestants (kababayan). Pero talagang kailangan naming pumili at ang tatlong ito ang maglalaban para sa title,” pahayag ni Madam Myles, mahigit dalawang dekada nang tumutulong sa Pinoy communities sa Japan, gayundin sa mga kababayan na may mga sinasalihang kompetissyon sa Tokyo tulad ng Philippine Elite Swimming Team ng Behrouz.

Kabilang sa mga sponsors sina Nanette Fuentes Miwa (first prize), Cecil Perello (32 flat screen TV), Sheryl Alcantara Yusa (2nd prize), Gemma Thomas Didaka (third place), Luz Yap Yamazaki, Maria Chona Yayama, Jan Michael Acaylar, Cindy Bautista Vibar-Sotooka, Vanessa Loyola Quintia, Kosaka Mary, Jennaly Ogania Austriaco, Gemma Abejero Tanno, Analyn Cortel, Pauleen Joy, Rosalie Yamagishi Ma. Genie Kobayashi, Ivy Fujisawa, Hope Musico, Mel Manguba, Bienne Nefulda, Precy Calpito, Sir Dammi (Diplomat of Saudi Arabia), Alex Vergano, Beth Tuazon Gutierrez, Maribel Beltran Esperanza, Rheine Buenafe, Tiffany Alcantara, at BEST Team manager Joan Cacho-Mojdeh

“Amidst pandemic we’ve shown how much we can give blessings to others.

Sabi nga ni Vivian Glor sa kanyang sariling composition, Covid-19 ka lang, Pinoy Kami!,” pahayag ni Madam Myles.

Nakatakda ang Grand Finals ng Birit ni Kiday sa Disyembre 15.

-Edwin Rollon