NAGBABALA ang World Health Organization nitong Biyernes na maaaring mauwi sa lungkot ang masayang pagdiriwang ng Pasko kung mabibigo ang mga tao na ingatan ang sarili laban sa COVID-19 sa panahon ng holidays.
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na patuloy na lumalaki ang bilang ng mga namamatay sa coronavirus pandemic at hinikayat niya ang mga tao na mag-isip nang mabuti para sa kanilang plano ngayong holiday season.
“The festive season is a time to relax and celebrate but… celebration can very quickly turn to sadness if we fail to take the right precautions,” pahayag ni Tedros sa isang news conference.
“As you prepare to celebrate over the coming weeks, please, please consider your plans carefully. If you live in an area with high transmission, please take every precaution to keep yourselves and others safe.
“That could be the best gift you could give — the gift of health.”
Aniya, naitala ang 60 porsiyentong pagtaas ng mga namatay sa virus sa buong mundo sa nakalipas na anim na linggo.
Gayunman, ilang kontinente ang nakikitaan ng mas malaking bilang ng mga namamatay kumpara sa iba, ayon kay Maria Van Kerkhove, WHO’ technical lead on Covid-19.
Pagbabahagi niya, nagkaroon ng halos 100 porsiyentong pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa bawat linggo sa Europe region ng WHO sa nakalipas na anim na linggo, isang 54 porsiyentong pagtaas sa America at 50 porsiyentong pagtaas sa Africa.
“This virus is still circulating. Most of the world remains at risk,” aniya.
BILLION DOSES SECURED
Samantla, sinabi ni Michael Ryan, WHO emergency director, na hindi pa nagiging stable ang virus sa isang predictable pattern.
“The situation globally is still very epidemiologically unstable,” paalala niya.
Matapos simulan ng Britain nitong nagdaang linggo ang pamamahagi ng bakuna sa publiko laban sa coronavirus, sinabi ni Tedros na ang produksyon ng ligtas at epektibong bakuna laban sa isang sakit na hindi pa kilala noong nakaraang taon ay isang “astounding scientific achievement”.
Aniya, halos isang bilyong doses ng tatlong kandidatong bakuna ang nailaan na bilang bahagi ng COVAX facility.
Ang proyektong pinangungunahan ng WHO para sa “pooling risk and reward” sa mayayaman at mahihirap na bansa ay isang global na pagtatangka upang mapabilis ang pagbuo ng COVID-19 vaccines, at pagbili at pamamahagi nito nang patas nang hindi tinitingnan ang estado at yaman.
Nasa 189 bansa at mga ekonomiya ang nakiisa na sa proyekto, na layong makakuha ng bakuna para sa 20 porsiyento ng populasyon ng bawat bansa sa pagtatapos ng susunod na taon.
“Further deals will be announced in the near future,” aniya.
Bilang pagtanaw sa 2021, sinabi ni WHO senior advisor Bruce Aylward na may liwanag na sa dulo ng “long tunnel”.
“There is no reason for us to see the same epidemic next year because we know how to beat this disease,” aniya.
Agence France-Presse