Kinumpirma ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na magkakaroon ng dagdag-sahod ang mga mangggawang Pilipino sa Czech Republic simula sa susunod na taon.

Ayon sa POEA, ito ang tiniyak sa kanila ng Ministry of Labor and Social Affairs ng Czech Republic at sinabing ang mga nasabing manggagawa sa nasabing lugar ay makatatanggap ng monthly minimum wage na mula sa 15,200 CZK hanggang 30,400 CZK alinsunod na rin sa job classification ng mga ito.

“The lowest levels of guaranteed wages are applied to employees whose wages are not agreed in collective agreements and to employees of public services and administration and set the lowest proof of labor in stages according to its complexity, responsibility, and efforts,” dagdag pa ng POEA.

-Merlina Malipot
Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista