Sinabi ng isang dalubhasa sa pananaliksik mula sa Unibersidad ng Pilipinas na hindi niya nakita na kailangan ng mga local government unit sa Metro Manila na isara ang kanilang mga hangganan o magpataw ng isang hard lockdown sa holidays.

Ayon kay Dr. Guido David, miyembro ng UP-OCTA Research, hindi niya irerekomenda ang isang hard lockdown sa Metro Manila dahil ang sitwasyon sa kabisera ng bansa sa katunayan ay nasa “the best it has been for three months since early August.”

“The situation has improved a lot so we are not yet at that situation where we would need a lockdown,” sinabi ni David sa panayam ng ANC nitong Friday.

“This is a decision for the local to implement localized lockdowns if they have a certain barangay that is experiencing a spike in cases, but we don’t have that kind of information. We look at it from an LGU level and right now we don’t see any LGU (in Metro Manila) that is experiencing a significant increase,” dagdag ng research expert.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sinabi ni David na nakikita rin ng UP OCTA Research team ang kabuuang bilang ng mga kaso sa pagtatapos ng Disyembre na maabot ang mas mababang dulo ng kanilang projection na nasa 470,000-480,000.

“If the situation worsens a little bit we might get close to 500,000 cases, but right now that is not yet the case,” sinabi ni David.

Samantala, binanggit ni David ang mga diskarte ng gobyerno para sa bakasyon upang maiwasan ang karagdagang pagkalat ng virus.

Hinimok ng dalubhasa ang publiko na limitahan ang kanilang pagtitipon sa 10 katao hangga’t maaari.

“We’re limiting the numbers because we are trying to avoid superspreader events. Studies have shown that most transmissions occur in superspreader events,” aniya.

Sinabi ni David na hindi rin sila nagtataguyod ng videoke sa bahay.

“If you have a party and a videoke that is high risk for transmission,” aniya.

-Noreen Jazul