Sina US President-elect Joe Biden at Vice President-elect Kamala Harris ang napili bilang Time magazine’s 2020 “Person of the Year,” ipinahayag ng publication nitong Huwebes.
Ang Democratic pair ay napili mula sa tatlong iba pang mga finalist: ang frontline health care workers at si Anthony Fauci, ang racial justice movement, at President Donald Trump na tinalo ni Biden sa halalan nitong Nobyembre.
Ang pabalat ng Time magazine ay may larawan nina Biden, 78, at Harris, 56, na may subtitle na “Changing America’s story.”
Ang Time magazine’s award -- na ipinamigay taun-taon mula pa noong 1927 -- ay nagpaparangal sa isang indibidwal o mga tao na nagkaroong ng pinakamalaking epekto, for better or worse, sa panahon ng calendar year.
Nauna nitong Huwebes, pinangalanan ng Time ang basketball superstar na LeBron James bilang Athlete of the Year para sa kanyang mga nagawa sa loob at sa labas ng court.
Ang 35-taong-gulang na manlalaro ng Los Angeles Lakers ay pinarangalan sa pakikipaglaban sa voter suppression sa Black citizens sa taon nang manalo siya ng kanyang ikaapat na titulo sa NBA.
Ang K-Pop sensation na BTS ay tinanghal na Entertainer of the Year.
Ang teenage climate change activist na si Greta Thunberg ang Time Person of the Year noong nakaraang taon, habang nanalo si Trump noong 2016.