Nababahala ang isang senador sa posibilidad na paglobo ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases pagkatapos ng Pasko kahit pa ipinaiiral ang community quarantine.

Ikinatwiran ni Senator Imee Marcos, ang mala-piyestang pagdiriwang ng Pasko at “quarantine fatigue” ay posibleng magdulot ng mas mataas pang kaso ng impeksyon, katulad ng naranasan sa Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City at Lanao del Sur nitong katapusan ng Nobyembre.

“Tapusin na natin at ikasa kung anong sistema ng ‘contact-tracing’ ang dapat na ipatupad, anong contigency measures sa mga ospital kapag naging kritikal na ang level ng kaso ng virus, at anong mekanismo ang puwedeng ipatupad para makaagapay ang local government units,” pagdidiin pa ng senador.

-Leonel Abasola
Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista