Dahil sa kahilingan ng mga alkalde ng Metro Manila,ipinasya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ibalik muli ang implementasyon ng truck ban simula sa Lunes, Disyembre 14.

Ito ang kinumpirma ni MMDA General Manager Jojo Garcia at sinabing layunin ng pagpapatupad muli nito na maibsan ang matinding trapik sa Kalakhang Maynila ngayong holiday season.

Pinagbabawalan aniya ang malalaking truck na dumaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi ng Lunes hanggang Sabado.

Sa ilalim ng umiiral na truck ban policy, walang ipinatutupad na na truck ban sa tuwing araw ng Linggo at holidays sa mga pangunahing kalsada, maliban sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

Metro

High-grade marijuana, <b>nasabat ng pulisya matapos i-deliver sa fast food resto</b>

Ipinaiiral naman ang total truck ban sa EDSA, magmula Magallanes Interchange sa Makati City hanggang North Avenue sa Quezon City, 24-oras simula Lunes hanggang Linggo.

Matatandaang sinuspinde ng MMDA ang pagpapatupad nito sa pangunahing lansangan sa buong Metro Manila noong Marso 2020 upang tiyakin na hindi maabala o maantala ang galaw ng mahahalagang kalakal sa kabila ng coronavirus disease 2019 pandemic

-BELLA GAMOTEA