Maraming major awards (Best Picture, Best Director, Best Actress, Best Actor) ang tinamo ng pelikulang Mindanao sa 2019 Metro Manila Film Festival. Ang good news, napili ito ng Film Academy of the Phillipines na maging official entry ng Pilipinas sa kategoryang Best Foreign Film Language sa Oscar next year.
Para kay Judy Ann Santos ang movie ay katuparan ng pangarap niyang makatrabaho si Direk Brillante Mendoza, producer ng Mindanao.
Ano nga ba ang style ni Brillante sa pagdi-direk?
“Hindi niya sasabihin kung paano dapat gawin ang eksena. He would guide you kung hindi niya ma-feel ang performance. Isa akong Muslim mother na ang anak ay may cancer habang ang asawa ay isang medic soldier in the South,” sey ni Juday.
Third attempt ni Brillante na masungkit ang Oscar na maraming proseso ang dadaanan. Hindi daw garantiya na papasok sa Oscar kahit humakot ng major awards locally.
Ang Korean movie na Parasite which won as BEST PICTURE last year ay malaki ang ginastos for promotions.
-REMY UMEREZ